Wag Singit
Bale ganito yun. Isipin mo nalang ito. Nasa isang fast food restaurant ka at gutom ka para sa isang hamburger. Masarap kasi yung mga hamburger diba? Hindi ka nag lunch, excited ka nang kumain, tapos biglang boom! Nako po, mahaba ang linya. Pero dahil naisip mo, “siguro hindi lang ako yung gutom dito at sa bagay, si lola naman yung nasa harap ko,” lilinya ka na rin. Maghintay ka nalang muna, ma’am-sir. Eh di yun! Naghintay ka. Tapos biglang dumating si Boy Astig sa restaurant. Yari ka na! Ang shades niya, ginawa niyang headband at naka jacket pa siya (eh summertime yung panahon). Meron pa siyang ear phones na nakasabit sa kanyang ears pero wala namang mp3 player. Astig lang talaga siya. Habang pumipili siya ng value meal, biglang may nakita siyang kakilala sa bandang harap ng linya. Ayun! Chumika ng konti, kamusta si ganito, kamusta si ganyan. Tapos na sila mag-usap, biglang nakasingit na si Boy Astig sa harap ng linya. Ang swabe naman ng style na yan! Chumika ng kung anu-anong ek-ek sabay nakakain na kaagad. Pero wala kang masabi, nahihiya ka at hindi mo pa siya kilala. Na-realize mo na rin bigla na isang softspoken person ka. Patay tayo diyan! Tumagal na nga yung oras mo sa linya (at kay lola din), na-hurt pa yung feelings mo.
Yan ang problema minsan sa mga ibang tao. Hindi sila lumilinya. Sa mga restaurant, sinehan at kung saan-saan pa ay wala talaga. Pati na rin yung mga kotse sa EDSA, panay singit. Yung mga puti at dilaw na linya sa kalye, parang naging drawing ng bata lang sila eh. Ang mga kalye na tatlo yung lanes, naging lima bigla! Paano nangyari yan? Diyos ko po, sana hindi lang ang sarili ang pinagiisipan ng mga tao. Bigyan naman natin ng konsiderasyon yung kapwa Pinoy natin. Importante na matutunan natin ang disiplina at ang tinatawag na common courtesy. Simpleng bagay lamang ang pinaguusapan natin dito pero tingnan mo, grabe ang trapik sa Metro Manila, hindi nakakakain ng mga hamburger ang mga tao at ang feelings nila ay hurt. Kung simpleng bagay lang ito, simple din ang solusyon – luminya ka at wag sumingit. Makakarating naman tayo sa mga destinasyon natin ah. Sana naman ay hindi pa madamay ang ating kapwa Pinoy. Ika nga, “It’s not the destination. It’s the journey.” Naks naman.
Nikki :) 4:13 PM on March 6, 2010 Permalink |
HAHA. SUPERLIIKE