Tagged: story RSS Toggle Comment Threads | Keyboard Shortcuts

  • BV 3:05 PM on January 12, 2010 Permalink | Reply
    Tags: , singit, story,   

    Wag Singit

    Bale ganito yun. Isipin mo nalang ito. Nasa isang fast food restaurant ka at gutom ka para sa isang hamburger. Masarap kasi yung mga hamburger diba? Hindi ka nag lunch, excited ka nang kumain, tapos biglang boom! Nako po, mahaba ang linya. Pero dahil naisip mo, “siguro hindi lang ako yung gutom dito at sa bagay, si lola naman yung nasa harap ko,” lilinya ka na rin. Maghintay ka nalang muna, ma’am-sir. Eh di yun! Naghintay ka. Tapos biglang dumating si Boy Astig sa restaurant. Yari ka na! Ang shades niya, ginawa niyang headband at naka jacket pa siya (eh summertime yung panahon). Meron pa siyang ear phones na nakasabit sa kanyang ears pero wala namang mp3 player. Astig lang talaga siya. Habang pumipili siya ng value meal, biglang may nakita siyang kakilala sa bandang harap ng linya. Ayun! Chumika ng konti, kamusta si ganito, kamusta si ganyan. Tapos na sila mag-usap, biglang nakasingit na si Boy Astig sa harap ng linya. Ang swabe naman ng style na yan! Chumika ng kung anu-anong ek-ek sabay nakakain na kaagad. Pero wala kang masabi, nahihiya ka at hindi mo pa siya kilala. Na-realize mo na rin bigla na isang softspoken person ka. Patay tayo diyan! Tumagal na nga yung oras mo sa linya (at kay lola din), na-hurt pa yung feelings mo.

    Yan ang problema minsan sa mga ibang tao. Hindi sila lumilinya. Sa mga restaurant, sinehan at kung saan-saan pa ay wala talaga. Pati na rin yung mga kotse sa EDSA, panay singit. Yung mga puti at dilaw na linya sa kalye, parang naging drawing ng bata lang sila eh. Ang mga kalye na tatlo yung lanes, naging lima bigla! Paano nangyari yan? Diyos ko po, sana hindi lang ang sarili ang pinagiisipan ng mga tao. Bigyan naman natin ng konsiderasyon yung kapwa Pinoy natin. Importante na matutunan natin ang disiplina at ang tinatawag na common courtesy. Simpleng bagay lamang ang pinaguusapan natin dito pero tingnan mo, grabe ang trapik sa Metro Manila, hindi nakakakain ng mga hamburger ang mga tao at ang feelings nila ay hurt. Kung simpleng bagay lang ito, simple din ang solusyon – luminya ka at wag sumingit. Makakarating naman tayo sa mga destinasyon natin ah. Sana naman ay hindi pa madamay ang ating kapwa Pinoy. Ika nga, “It’s not the destination. It’s the journey.” Naks naman.

     
    • Nikki :) 4:13 PM on March 6, 2010 Permalink | Reply

      HAHA. SUPERLIIKE :P

  • BV 11:25 AM on August 26, 2009 Permalink | Reply
    Tags: , story,   

    Submitted Post by Bianca

    mej na bv ako sa story ng araw ng girl na toh. bev

    Tangina. Sobrang malas ko kahapon.

    Nakalimutan ako bigyan ng allowance. Naalala ko lang nung nasa LRT station na ko. Pagtingin ko sa wallet ko, bente lang pera ko. Buti may LRT card. Okay pa, okay pa. Sa school, nakalimutan ko kunin iPod ko na nakasaksak sa laptop ng blockmate ko. Nung Lit class, natawag ako ng teacher ko. Nung pauwi na ko at konting steps na lang nasa station na, nasira strap ng bag ko at nahulog na siya sa putik. Hindi man lang ako nakaupo sa LRT mula Katipunan hanggang Recto. 30 minutes yon! Tapos pag-uwi ko, pagtingin ko basag screen ng phone ko. Tapos sabi ng nanay ko may sunog sa kabilang kanto. Nung mag-aaral na ko, inisip ko gagawin ko. Midterms ng Math bukas tapos may test sa Fil. Chapter 3-6 ng novel. Nasa Chapter 1 pa lang ako.

    BV DAY!

     
    • bugok. 9:13 PM on August 26, 2009 Permalink | Reply

      Wow, bv nga yan.

    • zen_07 11:10 PM on August 26, 2009 Permalink | Reply

      i never knew this could actually happen :P kala ko sa movies lang.. haha. super duper BV.. :

    • sinner27 4:54 PM on September 4, 2009 Permalink | Reply

      tang ina malas nga! isa pang malas kapag nakagroup mo si Angelica De Ocampo! BV tlg tng ina!

      • Anonymous 10:19 PM on November 3, 2009 Permalink | Reply

        ahaha:)) mukang bv k nga sa taong to ah

        • sinner27 2:51 AM on November 5, 2009 Permalink

          sobrang BV! I hope makita nya ito

    • queen of ♥ 10:44 PM on September 19, 2009 Permalink | Reply

      weh! 22o ba yan??.prang imposible mangyari yan lhat in a whole day.. pro kung 22o nga malas BV.

  • BV 11:19 PM on August 16, 2009 Permalink | Reply
    Tags: , story, ,   

    Submitted Post by NOTMYDAY

    Ito yung first entry na sinubmit sa akin sa akoaybv@gmail.com na feeling ko worthy of it’s own post (mej mahaba din siya eh kaya ayos). enjoy mga beverly. spread the beev and keep the entries coming (sarap).

    When you try to grab life by the balls, It grabs you back.. and TIGHTER.

    Sigurado naman ako pag sinabi ko na lahat ng tao, gagawin ang lahat ng paraan para kumita, mag aagree kayo diba? haha. Eh pucha pano ka ba naman gaganahan, if the only way that could possibly earn you a decent amount of cash gets you and your day screwed up right in front of your face. BV. ahahaha. So anyway, ganito kase yan.

    So okay UAAP season nanaman, so every A-L game nanjan nanaman ang overpriced tickets circulating before the game. So what better way to earn cash than to be part of the so called “circulation”. So ayun, kame ng mga kaibigan ko pumila sa Araneta ng 1am kanina para makakuha ng at least PATRON or UPPER A man lang. So yun nag enjoy naman ako sa camping namin sa red gate ng Araneta. Mga 5am na yun nung tamaan kame ng antok ng mga barkada ko(buti na lang may banig yung isa naming kasama HAHA) so yun nakatulog kame kahit sandali. Pucha maya maya pag dilat ko, leche yung 30 ish people na line nag x 20, yung mga taong nakapila nakatingin saming mga natutulog sa sahig, as in di normal na tingin ha. TITIG talaga:)) anyway so ang ending inabot kame ng 10pm na Upper B nalang ang nakuha. BV. Pucha kase na mga hardcore scalpers yan 6pm pa lang daw kagabi andun na. Siguro kung nagkaroon ng Scalping varsity sila yung tipong starting 5. kaso pucha andami nila eh mga nasa 50 sila. Si daddy scalper hatak hatak ang 5 nyang anak na babae para maki bili ng ticket. BV. so yung supposed to be UPPER A namin sa kanya at mga anak nya napunta, isccalp lang nila :| BV. ————-FUCK IIWANAN NAKO NG SASAKYAN FOR THE UE GAME. GOT TO GO SORRY NEXT TIME NA LANG, BV =))

    xoxo,
    Notmyday.

     
  • BV 12:14 AM on August 13, 2009 Permalink | Reply
    Tags: , story   

    BV rin to live alone

    Hindi sobrang uso yung living alone dito sa Pilipinas eh noh? Pansin mo sa mga ibang bansa tulad ng States, sobrang astig kapag living alone ka eh. Para siyang right of passage. Dito sa Pilipinas, iba eh. Kahit 30+ ka na, may trabaho, may asawa at dalawang anak ka na, kasama mo pa rin si mommy at daddy.

    Ako kasi, I live alone. sad noh? haha! loko lang, actually astig siya. pero dahil nasanay na ako sa lahat ng mga astig nung kasama ko si mommy at daddy, iba na yung buhay independent. maraming mga bagay na we take for granted kasi. kapag mag-isa ka na sa bahay, dito mo mararamdaman ang mga bagay na ito.

    nung kasama ko si mommy at daddy, sobrang astig sa akin yung mga t-shirt sa topman (uyyyy….nag reference). tuwing pupunta ako sa mga cool malls tulad ng quad (hahaha! alam niyo ba yung quad???? pang astig lang yan), titingin ako sa mga damit, laruan, cellphone at sasabihin ko sa sarili ko, “pusang ina! ok toh ah!” ngayon, iba na eh. tuwing pupunta ako sa mall, hindi na ako pupunta sa topman eh. deretsyo na ako sa rustan’s. hindi yung department store ah. yung supermarket. yung grocery na yung topman ko. lang hiya. ang astig na para sa akin ay tinapay na mura at pagkain na low in calories (yun yun). sinasabi ko pa naman sa sarili ko minsan yung “pusang ina! ok toh ah!” ……pero all-in-1 cleaner naman yung hawak ko ngayon. yan ang buhay. doon mo malalaman kung independent ka o hindi. kapag sobrang astig na sa yo yung all-in-1 cleaner.

    ang maganda din sa independent studio apartment living ay ang privacy. ikaw lang eh. walang gugulo sa yo. pero yung downside naman nito ay privacy pa rin. (uyyyy…..irony daw) pero teka lang, may point ako. mayroon akong kwento: nanonood ako ng tv one day sabay may apple juice ako dahil sobrang sarap ang apple juice. dahil bobo rin ako, natapon yung juice ko sa floor dahil nasipa ko yung baso by accident. sumigaw ako, “MANANG!!!” ………..pero………tangina……..wala naman si manang ah. mag-isa ako. ako si manang. pootcha, ako nga si manang sa bahay ko. hindi na rin ako basta-basta pwedeng umihi sa toilet. nung kasama ko si mommy at daddy sa bahay, kung saan saan yung aim ko kapag umiihi ako sa toilet. yung importante lang naman majority ng weewee mo ang mag-shoo-shoot sa bowl eh. pero sa studio apartment, hindi ganyan. kapag barado yung toilet, ikaw yung pupulot ng tae mo kasama yung isang roll ng toilet paper na tinapon mo rin sa toilet. bevvvveerrrrlllllyyyy hhhhiiiilllllllllllllllllllsssss

     
    • BV 8:00 PM on August 13, 2009 Permalink | Reply

      Nakaka relate ako! Hahahaha =D

      • BVs 10:02 PM on August 16, 2009 Permalink | Reply

        haha gusto ko nga din try. teka pano magpost ng sariling bv moment dito? thanks

        • BV 11:11 PM on August 16, 2009 Permalink

          email mo ako sa akoaybv@gmail.com….kung astig yung post mo, post ko siya sa site mismo

    • Anonymous 9:52 PM on August 20, 2009 Permalink | Reply

      grabbbbeeee!!! sarap ng beevee mo!!!

  • BV 4:58 PM on July 31, 2009 Permalink | Reply
    Tags: , story,   

    thoughts from a beaver

    medyo matagal akong nawala mga beavers. pasensya na kasi busy yung last 2 weeks ko. pero in fairness, may nag comment ng mahabang reply na parang entry na rin. salamat notmyday. na-bv ako sa story mo pero parang nakatulong ka rin sa job ko. kaya naisip ko rin na kung meron mga peeps out there na gusto magsulat ng entry dito na official (hindi lang reply sa mga entry ko), e-mail ninyo yung mga stories niyo sa akoaybv@gmail.com. kung astig siya, ipopost ko.

    anyway, maraming akong mga bv thoughts na naisip this past week. share ko lang ah. kung astig yung mga thoughts ko, sabihin ninyo nalang. sarap.

    • dahil uaap season ulit, naisip ko na bv siguro maging white boy/girl sa araneta coliseum habang may basketball game. kasi yung mga tao sa araneta, kahit la salle ka or ateneo, lahat ay racist. basta white boy/girl ka sa araneta, automatic na related ka kay kirk long eh. isipin niyo lang toh ah. kapag nanonood ka ng mga games, hindi mo naman kilala lahat ng mga tao dun eh. for example, may chickababes/chickaboys na pinoy na di mo kilala, sasabihin mo sa friend mo, “uyyy….saan galing yan? sino siya? anong school? anong batch? sino barkada niyan?”. pero kung may white, “uyyy….kilala ni kirk long ata toh ah” BV
    • naiinsulto ako kapag sinasabi sa akin ng mga tao, “wow. blooming ka ah.” first of all, lalake ako kaya labo kapag sinasabi na blooming ang lalake. second, kung blooming ako ngayon, ibig sabihin panget ako dati. bev
    • bakit dati astig kapag may mga camwhore pics ka at lalake ka? parang ok pa siya eh. ngayon, parang badingan fest na kaagad kung mag camwhore ako with a friend na guy. at what point nangyari na weird na maki-pic sa lalake? kailangan ata kasi SLR yung hawak mo eh. parang “uyyy…tingnan mo yung mga yan oh. guys sila pero camwhore. mga gay siguro……..teka lang…..SLR pala camera nila……artistic lang siguro. kaya okay lang” or kung saucy ka, lomo (uyyy. sorry na). sinasabi ko lang na miss ko yung mga days na pwede kang magdala ng digicam na 3 megapixel at cool pa siya. beaver
    • bakit may mga sapatos sa gitna ng mga kalye/highway? at bakit laging isa lang yung sapatos? saan galing yung mga toh? wala lang. curious. not necessarily bv. hehe
    • nanood kayo ng mga sine dati sa power plant? miss ko na yung mga “love seats” sa gilid. ngayon kasi, lahat ng mga seats sa cinema, pwede mong itaas yung divider para maging “love seats” na rin siya. dati, yung mga upuan lang sa gilid ang mga “love seats” talaga. miss ko yung pag enter ng cinema sabay “uyyy….ito pala yung mga in love”. tapos mej issue generator din siya. “uyyyy…..si ganyan at si ganito nag love seats. issue” (side note: astig siguro kung may couple na pangalan talaga nila “ganyan” at “ganito”. as in si ganyan bautista at ganito de la cruz. wala lang. astig) pang style din ng mga lalake yung love seats eh. kunwari first date. “so…ummm….where do you wanna sit?” tapos yung reply ng girl, “ikaw?”. yun yun! pasok ka na! pero easy easy muna. hindi dapat eager. wag atat masyado. konting kiliti muna. “ummm, you wanna sit in the side nalang?”. and then sasabihin ng girl, “ikaw?”. nakow. yari na tayo diyan bro. “hmmm…..(sabay look at the seating chart and point)….2 tickets miss tapos dito kami uupo.” and then sasabihin ng ticket lady “love seat ba sir?”. dito mo naman titingnan yung date mo sabay, “oo miss. love seat.” pero puta, wala nang ganyan eh. oh well. BV
     
    • Anonymous 12:50 PM on August 1, 2009 Permalink | Reply

      gusto ko mag love seat. bv

    • Anonymous 11:10 PM on August 2, 2009 Permalink | Reply

      bakit parang lahat ng bumiBV sa’yo, biniBV din ako recently? lalo na yung pagiging uncool ng digicam. BV. (except yung sapatos sa highway. mejo weird yun.)

    • brat 11:15 PM on August 2, 2009 Permalink | Reply

      oo nga. bakit lahat nalang ng nanonood na foreigner sa araneta relatives ni kirk long? at hindi ko na madala ang digicam ko sa school at sa mga parties. di kasi cool unlike the dslr. sorry na. bv

    • absolutely bv 2:03 AM on August 3, 2009 Permalink | Reply

      BV ngayon wala ng loveseats buratcho lahat natataas na talaga.

    • ^_^ 8:35 AM on August 3, 2009 Permalink | Reply

      kelan naging astig ang pag mayroon kang camwhore pics at lalaki ka? haha

      nakakatawa tong site na to

    • Kapitan BV 1:20 AM on August 12, 2009 Permalink | Reply

      Ayos ‘to ah! BV rin ako!

      Nagpost ako sa wall ko ng stat para sa crush ko. May nagreply. Sabi niya, “and his cuteness makes me float away.” Kala ng kapatid ko, babae yung nagreply. Bading kong batchmate. Ngayon, hindi ko madelete yung comment niya. Nageerror ang Facebook. BV talaga.

    • korean 6:30 PM on August 12, 2009 Permalink | Reply

      “bakit may mga sapatos sa gitna ng mga kalye/highway? at bakit laging isa lang yung sapatos? saan galing yung mga toh? wala lang. curious. not necessarily bv. hehe”

      ganito kasi yan. may korean na nagdrive sa may katipunan, dun sa tulay. matulin yung pagtakbo ng oto niya. tapos may nabangga siya na metro aide tapos yung metroaid nahulog pa sa baba katabi nung simbahan or something. naiwan yung sapatos nung metroaide. bv no? bv

c
compose new post
j
next post/next comment
k
previous post/previous comment
r
reply
e
edit
o
show/hide comments
t
go to top
l
go to login
h
show/hide help
shift + esc
cancel
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.