BV rin to live alone
BV rin to live alone
Hindi sobrang uso yung living alone dito sa Pilipinas eh noh? Pansin mo sa mga ibang bansa tulad ng States, sobrang astig kapag living alone ka eh. Para siyang right of passage. Dito sa Pilipinas, iba eh. Kahit 30+ ka na, may trabaho, may asawa at dalawang anak ka na, kasama mo pa rin si mommy at daddy.
Ako kasi, I live alone. sad noh? haha! loko lang, actually astig siya. pero dahil nasanay na ako sa lahat ng mga astig nung kasama ko si mommy at daddy, iba na yung buhay independent. maraming mga bagay na we take for granted kasi. kapag mag-isa ka na sa bahay, dito mo mararamdaman ang mga bagay na ito.
nung kasama ko si mommy at daddy, sobrang astig sa akin yung mga t-shirt sa topman (uyyyy….nag reference). tuwing pupunta ako sa mga cool malls tulad ng quad (hahaha! alam niyo ba yung quad???? pang astig lang yan), titingin ako sa mga damit, laruan, cellphone at sasabihin ko sa sarili ko, “pusang ina! ok toh ah!” ngayon, iba na eh. tuwing pupunta ako sa mall, hindi na ako pupunta sa topman eh. deretsyo na ako sa rustan’s. hindi yung department store ah. yung supermarket. yung grocery na yung topman ko. lang hiya. ang astig na para sa akin ay tinapay na mura at pagkain na low in calories (yun yun). sinasabi ko pa naman sa sarili ko minsan yung “pusang ina! ok toh ah!” ……pero all-in-1 cleaner naman yung hawak ko ngayon. yan ang buhay. doon mo malalaman kung independent ka o hindi. kapag sobrang astig na sa yo yung all-in-1 cleaner.
ang maganda din sa independent studio apartment living ay ang privacy. ikaw lang eh. walang gugulo sa yo. pero yung downside naman nito ay privacy pa rin. (uyyyy…..irony daw) pero teka lang, may point ako. mayroon akong kwento: nanonood ako ng tv one day sabay may apple juice ako dahil sobrang sarap ang apple juice. dahil bobo rin ako, natapon yung juice ko sa floor dahil nasipa ko yung baso by accident. sumigaw ako, “MANANG!!!” ………..pero………tangina……..wala naman si manang ah. mag-isa ako. ako si manang. pootcha, ako nga si manang sa bahay ko. hindi na rin ako basta-basta pwedeng umihi sa toilet. nung kasama ko si mommy at daddy sa bahay, kung saan saan yung aim ko kapag umiihi ako sa toilet. yung importante lang naman majority ng weewee mo ang mag-shoo-shoot sa bowl eh. pero sa studio apartment, hindi ganyan. kapag barado yung toilet, ikaw yung pupulot ng tae mo kasama yung isang roll ng toilet paper na tinapon mo rin sa toilet. bevvvveerrrrlllllyyyy hhhhiiiilllllllllllllllllllsssss
BV 8:00 PM on August 13, 2009 Permalink |
Nakaka relate ako! Hahahaha =D
BVs 10:02 PM on August 16, 2009 Permalink |
haha gusto ko nga din try. teka pano magpost ng sariling bv moment dito? thanks
BV 11:11 PM on August 16, 2009 Permalink
email mo ako sa akoaybv@gmail.com….kung astig yung post mo, post ko siya sa site mismo
Anonymous 9:52 PM on August 20, 2009 Permalink |
grabbbbeeee!!! sarap ng beevee mo!!!