thoughts from a beaver

thoughts from a beaver

medyo matagal akong nawala mga beavers. pasensya na kasi busy yung last 2 weeks ko. pero in fairness, may nag comment ng mahabang reply na parang entry na rin. salamat notmyday. na-bv ako sa story mo pero parang nakatulong ka rin sa job ko. kaya naisip ko rin na kung meron mga peeps out there na gusto magsulat ng entry dito na official (hindi lang reply sa mga entry ko), e-mail ninyo yung mga stories niyo sa akoaybv@gmail.com. kung astig siya, ipopost ko.

anyway, maraming akong mga bv thoughts na naisip this past week. share ko lang ah. kung astig yung mga thoughts ko, sabihin ninyo nalang. sarap.

  • dahil uaap season ulit, naisip ko na bv siguro maging white boy/girl sa araneta coliseum habang may basketball game. kasi yung mga tao sa araneta, kahit la salle ka or ateneo, lahat ay racist. basta white boy/girl ka sa araneta, automatic na related ka kay kirk long eh. isipin niyo lang toh ah. kapag nanonood ka ng mga games, hindi mo naman kilala lahat ng mga tao dun eh. for example, may chickababes/chickaboys na pinoy na di mo kilala, sasabihin mo sa friend mo, “uyyy….saan galing yan? sino siya? anong school? anong batch? sino barkada niyan?”. pero kung may white, “uyyy….kilala ni kirk long ata toh ah” BV
  • naiinsulto ako kapag sinasabi sa akin ng mga tao, “wow. blooming ka ah.” first of all, lalake ako kaya labo kapag sinasabi na blooming ang lalake. second, kung blooming ako ngayon, ibig sabihin panget ako dati. bev
  • bakit dati astig kapag may mga camwhore pics ka at lalake ka? parang ok pa siya eh. ngayon, parang badingan fest na kaagad kung mag camwhore ako with a friend na guy. at what point nangyari na weird na maki-pic sa lalake? kailangan ata kasi SLR yung hawak mo eh. parang “uyyy…tingnan mo yung mga yan oh. guys sila pero camwhore. mga gay siguro……..teka lang…..SLR pala camera nila……artistic lang siguro. kaya okay lang” or kung saucy ka, lomo (uyyy. sorry na). sinasabi ko lang na miss ko yung mga days na pwede kang magdala ng digicam na 3 megapixel at cool pa siya. beaver
  • bakit may mga sapatos sa gitna ng mga kalye/highway? at bakit laging isa lang yung sapatos? saan galing yung mga toh? wala lang. curious. not necessarily bv. hehe
  • nanood kayo ng mga sine dati sa power plant? miss ko na yung mga “love seats” sa gilid. ngayon kasi, lahat ng mga seats sa cinema, pwede mong itaas yung divider para maging “love seats” na rin siya. dati, yung mga upuan lang sa gilid ang mga “love seats” talaga. miss ko yung pag enter ng cinema sabay “uyyy….ito pala yung mga in love”. tapos mej issue generator din siya. “uyyyy…..si ganyan at si ganito nag love seats. issue” (side note: astig siguro kung may couple na pangalan talaga nila “ganyan” at “ganito”. as in si ganyan bautista at ganito de la cruz. wala lang. astig) pang style din ng mga lalake yung love seats eh. kunwari first date. “so…ummm….where do you wanna sit?” tapos yung reply ng girl, “ikaw?”. yun yun! pasok ka na! pero easy easy muna. hindi dapat eager. wag atat masyado. konting kiliti muna. “ummm, you wanna sit in the side nalang?”. and then sasabihin ng girl, “ikaw?”. nakow. yari na tayo diyan bro. “hmmm…..(sabay look at the seating chart and point)….2 tickets miss tapos dito kami uupo.” and then sasabihin ng ticket lady “love seat ba sir?”. dito mo naman titingnan yung date mo sabay, “oo miss. love seat.” pero puta, wala nang ganyan eh. oh well. BV